Walang Hanggan

--

(Kuha mula Long Beach sa Noveleta, Cavite)

Sa bawat paghinga, nawawalan ng pag-asa.
Pagkabog ng dibdib, tila isang tanikala.
Pagdilat ng mata sa pagsikat ng araw,
Dagdag pasakit, hapdi't kirot ang hatid.

Kailan magwawakas ang pagdurusa?
O takipsilim, o kabilang buhay,
Matatanaw na ba kita kinabukasan?
Hirap na akong bumango't magpatuloy pa.

Kalawakan, ika'y makasalanan
Sapagkat ako'y binigyan ng puwang sa mundo.
Ako'y pagod at pagal na, kaya't ako'y kaawaan.
Huwag nang patagalin pa ang paghihirap.

Ayaw nang gumising...
Ayaw nang bumangon...
Ayaw nang magpatuloy...
Nais nang mamahinga pang-habambuhay.

--

--

Rodolfo Dacleson II

A Filipino writer who dreams of becoming a world-renowned author. If he fails to do so, he will still continue writing for the betterment of the society.